top of page
108996179_332264191106807_49489019640783
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.

LAS OBRAS

Photography and Artworks

© CLIPS FROM Ilustrado (2014). GMA Network

arrow-clipart-tribal-black-and-white-7.p
Paciano Wix.png
Leonor Wix.png
Consuelo Wix.png
Rizal Wix.png
Segunda Wix.png
Bracken Wix.png
DrWecker Wix.png

Hinulmang Obra ng Kasaysayan

Mga Monologo ng Iba't ibang Tauhan sa Likod ng Edukasyon, Pagibig at Paglalakbay ng Isang Indiyo

Ang mga ala-alang binaon na sa baul ng kasaysayan ay muling ibabalik ng mga obrang magbibigay balintataw sa mga pangyayaring mahalaga sa buhay ng isang taong nagngangalang Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Mula sa alapaap na puno ng pagdududa, pagkamangha at natatagong kaalaman, ang mga obra ay maghahatid sa daan tungo sa mga mensahe ng Iba't ibang Tauhan sa buhay ng isang indiyong pintor.

Wix bg II.png

Ang pinakadakilang anak ng Pilipinas ay si Dr. Jose Rizal. Siya ay isinilang noong ika-19 ng Hunyo, 1861, sa Calamba, Laguna. Ang unang guro ni Dr. Jose Rizal ay ang kanyang ina, si Teodora Alonzo. Nag-aral siya sa Binan, Laguna at nagpatuloy sa Maynila. Tumungo siya sa Europa upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina. Narating niya ang maraming bayan. Maraming wika ang kanyang natutuhan. Ginamit niya ang kanyang talino sa pagsulat ng dalawang nobelang naging inspirasyon ng pakikibaka laban sa mga dayuhan.

Jose Rizal

Wix bg II.png

Si Consuelo ay sinasabing pinakamagandang anak ng dating alkalde ng Maynila na si Don Pablo Ortiga.  Labing walong taong gulang ang dalaga. Unang nagkita ang dalawa noong ika-16 ng Setyembre taong 1882. Dahil nga nag-iisa at malayo sa kanyang pamilya at bayang sinilangan, hindi maiiwasang tumibok muli ang puso ni Rizal para sa iba. Maraming regalo ang inihandog niya kay Consuelo: telang gawa sa sinamay, panyong gawa sa pinya, at tsinelas Bilang paghanga sa dalaga. napasulat pa nga ito ng tula na pinamagatang "A La Senorita C.O. y R."

Consuelo Ortiga y Rey

Si Josephine ang huling babae ng kanyang buhay. Siya ang maituturing na legal na asawa ni Rizal. Ang kanyang mga magulang ay parehong Irish, ngunit siya ay isinilang sa Hong Kong. Dulce extranjera ang bansag ni Pepe sa kanya. Si Bracken, na noo’y 18 anyos, ay naglayag papuntang Dapitan upang samahan ang kanyang ama-amahan na si George Taufer na magpatingin ng mata kay Rizal. Nabighani si Pepe sa alindog ng dalaga. Hindi nagtagal ay nagkamabutihan ang dalawa. Nanirahan sila sa Barangay Talisay sa Dapitan.

Josephine Bracken

Wix bg II.png
Wix bg II.png
Wix bg II.png

Si Leonor ay anak ng kanyang amain na si Antonio Rivera na siyang pinsan ng kanyang amang si Francisco. Sa madaling sabi, naging katipan niya ang kanyang pinsan. Siya ang inspirasyon ni Rizal sa paglikha ng karakter na si Maria Clara sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Nagkakilala ang dalawa noong 13 taong gulang pa lamang si Leonor. Hindi naputol ang koneksyon ng dalawa kahit nangibang-bayan na si Rizal matapos ang dalawang taon upang magpakadalubhasa. Sa katunayan, nagtagal pa nga ng 11 taon ang kanilang relasyon at sa mga panahong yaon naging inspirasyon ang dalaga sa kanyang pag-aaral.

Si Dr. Louis de Wecker ay isang tanyag na optalmologo sa Paris. Siya ay nagmula sa bansang Germany at nag-aral ng medisina sa ibat-ibang bansa gaya ng Berlin, Wursburg, Vienna, at Paris. Namalagi siya at nagkaroon ng tanyag na klinika sa Paris. Naging katulong niya si Dr. Jose Rizal sa kanyang klinika. Nagsanay si Dr. Rizal sa panggagamot ng mata sa tulong at gabay ni Dr. Wecker. Nagtapos si Dr. Rizal sa kanyang pagsasanay sa Paris taong 1885.

Dr. Louis Wecker

Leonor

Rivera

Wix bg II.png
Wix bg II.png

Si Paciano Mercado, ang kuya ni Jose Rizal, ay isa sa mga mahalagang katauhan sa ating kasaysayan. Ang kanyang kontribusyon sa himagsikan ay ipinakita niya sa pamamagitan ng kanyang mga gawain. Bilang pinakamatandang lalaki sa mga magkakapatid, siya ang namahala sa kanilang kabuhayan. Katulad ng tradisyunal na papel ng panganay na lalaki sa pamilyang Pilipino, si Paciano ang nagsilbing gabay sa iba pa niyang mga kapatid. Siya ang naghatid kay Jose noong unang araw niya sa eskwela. Napakahalaga ng kanyang paninindigan at pagsusumikap upang maitaguyod ang pamilya, lalong-lalo na noong arestuhin ng mga Kastila ang kanilang ina dahil sa maling paratang.

Si Segunda ay ang "puppy love" ni Rizal. Siya ay 14 na taong gulang na dalagita na kapatid ng kaklase at kaibigan ni Pepe na si Mariano Katigbak. Kolehiyo ng La Concordia ang kanyang paaralang pinasukan kung saan rin nag-aral ang kapatid ni Rizal na si Olympia. Nagkita ang dalawa sa Trozo, Manila kung saan binisita ni Rizal ang kanyang lola na nakatira mismo sa nasabing lugar. May mga nagsasabi rin na nagkita sila sa Lipa, Batangas kung saan nanggaling ang pamilya Katigbak. Malimit na pumupunta noon si Pepe sa Kolehiyo ng La Concordia hindi lang para dalawin ang kanyang kapatid kundi upang masulyapan ang dalagita.

Paciano

Rizal

Segunda Katigbak

bottom of page